Na kahit pa sabihin na madrama ako ay lubos kong ipinagpapasalamat....
Ang Aming STCJ
Ang Aming St. Therese of the Child Jesus
Binubuo ng mga estudyanteng kung magmahal ay lubos
Pero bago pa man ang lahat ay kumorni
Pakinggan ninyo muna ang aming lab istori
Nagsimula ito Hunyo a-kwatro
Sa isang maliit at masikip ng kwarto
Ng makilala namin ang isa't-isa
At ang natatanging babae na turing namin ay ina
Walang iba kundi si Binibining Aezel Rena
Hanggang sa tumagal ay tumibay ang aming samahan
Nung field trip sa Batanggas, tawanan ang labanan
At ang mga artistahin, astigin nga naman, nung reco ay nag-iyakan!
Lahat tumulo ang luha, parang di uso ang hiyaan. Anu ba yan...
Ah, ang pagsilang pala niyang 'Artistahin'?
Kita ninyo ba yung likod ng t-shirt naming green?
Pero wala yan sa suot namin kasi naman it comes within^_^
Di rin nagtagal humarap kami sa isang pagsubok ng katatagan
Na para bang ang lahat ng guro ay aming kalaban
Dumaan ang maraming araw ng di pansinan, aray! isnaban
Sabi ng iba, mukhang kaaway na titser, kayo'y nangongolekta!
Sagot naman namin siguro nga'y minsan kami ay sumusobra
Ngunit tao lang naman kami tulad ng iba
Pero Theresians, naaalala ninyo pa ba?
Ang keyk na alay natin kay Ms. Vargas noon pa?
Ang 'sori po ms.' sa calcu naten kay Ms. Padicio
At ang tampo ni Sir Baluyot noong Field Demo?
Kung 'di ba naman likas na matatag
Aba' y baka matagal na tayong natinag
Siguro ay matatandaan ninyo pa hanggang huli
Si Michael ang ating presidente, kung saan sa SC rin ay VP?
At siyempre naman, itong ating si JC
Na kahit kailan, SPED man ay nakangiti
Makakalimutan nga ba ninyo ang SPED na trademark ni Ms. V?
Na asar naten kay Michael na asar din kay JC
Mga pauso ni Borja na Marimar, Bengbeng, Parpeklat, Siony at kung anu-anu pa
Na kahit pa buong araw ay mag-asaran at mag-tuksuhan
Masaya naman ang lahat at walang pikunan
Dahil kung sa tototohanan ay mahal namin ang isa't-isa
Magkahiwalay-hiwalay man ay mananatili kaming isa
Tandaan rin na live tayo sa langit
Ui, ngiti na lang, wag na magalit(0_o)
Kaya nga magpasahanggang ngayon
Na tapos na ang klase, kahit pa bakasyon
Ang 2nd Year St. Therese of the Child Jesus
Batch of 2007-2008
Mapa tahimik, pasaway, maaga pumasok o late
Ay walang limutan na tatahakin
Ang landas ng bukas bilang mga 'Artistahin' ('-')
Kung sino man ako ngayon at kung magiging ano man ako sa hinaharap ng mundong ito, walang duda na ito ay dahil sa kanilang suporta, pagmamahal at pag-iintindi.